PAGKASIRA NG KAGUBATAN

 


Ano ang Pagkasira Ng kagubatan ?

- Ang mabilis na pagkasira at pagkaubos ng ating kagubatan ay isang malaking suliranin. Nakakalbo ang ating mga kagubatan bunga ng walang pakundangang pagputol sa mga puno ng mga magtotroso at magkakaingin. Dapat itong bigyan-pansin ng namumuno sa ating pamahalaan. Ang unti-unting pagkaubos ng ating kagubatan ay bungga ng pang-aabuso ng tao sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilegal na pagtotroso, pagputol ng mga puno na bata pa at pagkakaingin. Ang mabilis na pagkasira at pagkaubos ng ating kagubatan sanhi ng iba't ibang dahilan ay isang malaking suliranin na dapat bigyang pansin ng namumuno sa ating pamahalaan. Sa ating bansa, unti-unti na nating nararamdaman ang epekto ng pagkaubos ng mga puno sa kagubatan. Bunsod nito ang flashflood na naganap sa iba't ibang lalawigan na kumitil ng maraming buhay at sumira ng milyon-milyong halaga ng ari-arian. Ang pagkaubos ng maiilap na hayop at mga endangered species, pagbaba ng water level sa mga dam at ilog, at ang pag-init ng kapaligiran ay ilan din sa mga epekto ng pagkalbo ng kagubatan.

Nasisira ang kagubatan dahil sa mga sumusunod:

a. logging (legal man ito o illegal) - Ang pagpuputol ng puno para gawing uling pangbenta man o para pansariling gamit, pag-uukit at Ginagamit din ito sa paggawa ng mga antique cabinet, dining tables at iba pa.

b. Ang paglawak ng agrikultura at pati na rin ng industriyalisasyon.

c. Bagyo - Ang sampu o mahigit pa na bagyong dumadaan sa Pilipinas ay nakakasira din ng kagubatan, dahil sa lakas nito ay napuputol din ang mga

d. At mabilis na pagdami ng populasyon at kahirapan.

e. Pagmimina

f. Deforestation

Ang 5 pangunahing sanhi ng Pagkasira Ng kagubatan 

1- Paglawak ng mga gawaing pang-agrikultura

2- Mga gawain sa hayop

3- Mga aktibidad na Silvikultural

4- Pagpapalawak ng mga imprastraktura

5- industriya ng pagkain

Ang 4 pangunahing mga kahihinatnan ng Pagkasira Ng kagubatan 

1- Pagkawala ng biodiversity

2- mga pagbabago sa klimatiko

3- Mga pagbabago sa mga lupa

4- Pagbaba sa antas ng singaw ng tubig

Ang mabisang solusyon upang maiwasan ang pagkasira ng kagubatan ay :

 (1) huwag magpuputol ng kahoy, kung magpuputol man ay siguraduhin natin na tataniman natin ito ng bago

 (2) tayo ay magkaisa at tumulong sa mga pamahalaan na naglalayong paramihin ang ating mga puno

(3) palaging isipin ang magandang maidudulot ng kagubatan para sa atin..

Comments